unleashing all of my interesting and hot finds over the web. this page will serve you to keep abreast on all events and information you need and always wanted. hope you find it cool to visit this blog every now and then. happy surfing to all peeps!!!

July 07, 2008

Kudeta ni Adaza, peke

Kudeta ni Adaza, peke
(Rey Marfil/Noel Abuel)

Ito ang naging paglalarawan ni opposition Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson sa destabilisasyon at kudeta na ibinibintang ng gobyerno sa grupo ni da­ting Assemblyman Homobono Adaza, kasabay ang alegasyong nakakahilo ang deklarasyon ng pulisya at militar.
Ayon kay Lacson, kahit sinong indibidwal ang tanungin sa magkakaibang deklarasyon ng pulisya at militar sa kudetang ibini­bintang sa grupo ni Adaza, ito’y matutuliro.
Unang inanunsyo ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) ang pagkakaroon ng destabilisasyon subalit itinanggi ng Philippine National Police (PNP) pero makalipas ang isang araw, iba naman aniya ang deklarasyon ng mga opisyal nito.
Maging si Lacson na eksperto sa intelligence gathering, wala ring nasasagap na intelligence report tungkol sa destabilisasyon at tangkang pagpapabagsak sa gobyerno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaya’t malinaw aniyang kalokohan ito.
Ayaw kagatin ni Lacson ang kakayahan ni Adaza na makapaglunsad ng kudeta at pamunuan ang pagpapalit ng gobyerno. Mas lalo pang nakakatawa ang alegasyong destabilisasyon at kudeta laban sa grupo ni Adaza, ayon kay Lacson, dahil pawang retiradong opisyal ang itinuturo at hindi aniya gaanong matataas ang katungkulan sa military service ng mga ito.
Samantala, mariing iginiit ni AFP chief of staff Gen. Alexander Yano na hindi ‘military concern’ ang umano’y planong kudeta ng grupo nina Adaza kasabay ng paglilinaw na hindi nila kinokontra ang PNP hinggil sa nabunyag na coup plot laban sa pamahalaang Arroyo.
“There may be some proof for some people to be charged, but that doesn’t mean that it is a military concern,” ayon pa sa heneral.


(SOURCE: ABANTE-TONITE.COM)

About Me

My photo
creative & innovative. outgoing and open-minded. independent & liberal. politically motivated. romantic & funny. loves music, loves to travel places, likes to go party! plays basketball & billiards. to those single young females are welcome to chat with me using their yahoo messenger, my im contact is: fortuner168 TNX 4 DROPPING BY!!!

add this

Bookmark and Share

my musik express